To leave this site quickly, click the Quick Exit button below. Learn about Quick Exit button here. If you don’t want your browser history saved, please open incognito browsing mode. Learn about incognito mode here. If you're in immediate danger, please call 000.

Ano ang seksuwal na panghahalay (sexual assault)?

Ang pag-unawa sa seksuwal na panghahalay ay makakatulong sa aming tumugon.

Ang iyong mga karapatan at opsiyon makalipas ang isang pag-atakeng sekswal

Ang seksuwal na panghahalay ay anumang seksuwal o ginawang seksuwal (sexualized) na kilos na magreresulta upang ang isang tao ay makaramdam na hindi siya komportable, nasisindak o natatakot siya. Ito ay isang kilos na hindi inakit o pinili ng isang tao.

Ang seksuwal na panghahalay ay isang pagkakanulo ng tiwala at pagkakaila sa karapatan na mayroon ang bawat tao upang magpasiya tungkol sa kung ano ang mangyayari sa kanyang katawan. Ang seksuwal na panghahalay ay isang pang-aabuso ng karapatan at kapangyarihan.

Ang seksuwal na panghahalay ay maaaring isagawa sa mga taong nasa wastong gulang at mga bata, babae, at lalaki, at mga taong iba't iba ang pinaggagalingan.

Ang seksuwal na panghahalay ay maaari ring tawagin bilang seksuwal na pang-aabuso o seksuwal na karahasan. Ang mga salitang ginagamit upang ilarawan ang seksuwal na panghahalay, kagaya ng panggagahasa at seksuwal na pang-aabuso, ay parehong may pangkalahatang kahulugan kapag ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap at isang partikular na kahulugan kapag ginagamit upang ilarawan ang partikular na mga kriminal na seksuwal na pagkakasala (criminal sexual offense). Sa website na ito, ginagamit namin ang mga salita sa pangkalahatang paraan at upang magbigay ng pangkalahatang impormasyon lamang.

Kung sa tingin mo na ginawa ang isang kriminal na seksuwal na pagkakasala at gusto mong magreklamo, maaaring naisin mong humiling ng karagdagang payo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkontak sa serbisyo para sa seksuwal na panghahalay sa iyong lugar [sa Ingles], sa pulis, iyong doktor o isang pribadong abogado. Maaaring isang salik (factor) ang oras at ang mga serbisyong ito ay makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga karapatan at mga opsiyon.

Nangyayari ang seksuwal na panghahalay sa maraming anyo

Ang pag-unawa kung ano ang seksuwal na panghahalay ay tumutulong sa amin upang tumugon kapag binunyag ng isang kaibigan, miyembro ng pamilya o kliyente na sila ay hinalay. Ang sumusunod na listahan ay ilang mga halimbawa ng seksuwal na panghahalay:

  • Seksuwal na panliligalig.

  • Hindi gustong paghipo o paghalik.

  • Pinuwersa o pinilit na mga seksuwal na aktibidad o mga aktibidad na kaugnay sa pagtatalik, kabilang ang mga aktibidad na nagsasangkot ng karahasan o pananakit.

  • Paglalantad ng mga ari katulad ng 'flashing'.

  • Paniniktik (stalking)

  • Pinapanood ng isang tao na wala ang iyong pahintulot kapag ikaw ay nakahubad o nagsasagawa ng mga seksuwal na aktibidad.

  • Ang pagpapaskil ng mga seksuwal na imahe sa Internet nang wala ang iyong pagsang-ayon.

  • Pinuwersa o pinilit ng isang tao na manood o sumali sa pornograpiya.

  • Pag-spike ng mga inumin, o paggamit ng mga droga o alkohol, upang mabawasan o pahinain ang kakayahan ng isang tao na gumawa ng mga pagpipilian tungkol sa pakikipagtalik o seksuwal na aktibidad.

  • Pakikipagtalik sa isang taong tulog, o labis na apektado ng alkohol at/o iba pang mga gamot.

  • Malaswa o nagpapahiwatig ng kahalayang mga biro, kuwento o pagpapakita ng mga ginawang seksuwal na mga litrato, bilang bahagi ng isang pattern ng namimilit, nananakot o mapagsamantalang pag-uugali.

  • Panggagahasa (ang pagtagos ng anumang butas gamit ang anumang bagay)

  • Ang 'pag-groom" ng isang bata o taong mahina upang makisali sa mga seksuwal na aktibidad ng anumang uri.

  • Anumang seksuwal na kilos kasama ng isang bata.

Ang seksuwal na panghahalay ay hindi pareho ng seksuwal na pagpapahayag. Ang seksuwal na panghahalay ay isang hindi gustong mga seksuwal na pag-uugali o kilos na gumagamit ng pananakot, pamimilit, o puwersa upang gamitin ang kapangyarihan o ipagkaila ang karapatan ng isang tao upang pumili. Ang seksuwal na panghahalay o pang-aabuso ay maaaring isang beses na pangyayari, o bahagi ng isang pattern ng karahasan. Ito ay may isang hanay ng mga epekto, kabilang ang pisikal, emosyonal at sikolohikal na mga epekto.

Mga katotohanan tungkol sa seksuwal na panghahalay

Naririto ang ilang mahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa seksuwal na panghahalay:

  • Karamihan sa mga seksuwal na panghahalay ay isinasagawa ng mga lalaki laban sa mga babae at mga bata.

  • Nakakaranas rin ang mga lalaki ng seksuwal na panghahalay; na karamihang isinasagawa ng iba pang mga lalaki.

  • Karamihan sa mga taong nakakaranas ng seksuwal na panghahalay ay kilala, o nakilala kamakailan lang, ang tagagawa ng panghahalay.

  • Ang ilang mga kilos ng seksuwal na panghahalay ay mga kriminal na pagkakasala (criminal offense) rin.

  • Ang pag-ulat sa pulis ay maaaring isang mahirap na desisyon. Ang mga limitasyon ng ating sistema ng hustisya, at ang paraan kung paano kinokolekta ang ebidensiya ay maaaring nakakatakot harapin.

  • Ang reaksiyon ng mga taong nakakaranas ng seksuwal na panghahalay ay maaaring iba-iba, paminsan-minsan mayroon silang matinding emosyon, paminsan-minsan umuurong sila. Ang pag-unawa sa trauma ng karahasan sa pagitan ng mga tao ay makakatulong sa ating tumugon sa angkop sa paraan.

  • Ang seksuwal na panghahalay ay isang pang-aabuso ng mga kawalan ng balanse ng kapangyarihan na umiiral sa lipunan. 

  • Karamihan sa mga seksuwal na panghahalay ay hindi iniuulat sa pulis.

Ang mga epekto ng seksuwal na panghahalay

Ang karahasan sa pagitan ng mga tao, katulad ng seksuwal na panghahalay, ay kabilang sa pinakatraumatikong pangyayari na mararanasan ng isang tao. Ang pagtugon sa mga agarang pangangailangan ng biktima/nakaligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa kanila at pagtrato nito nang seryoso, ay makakatulong upang mabawasan ang karagdagang pinsala. Ang pagpapatuloy sa pagsuporta sa mga tao habang gumagaling sila ay napakamahalaga rin, at mahalagang gawin ito sa sarili nilang paraan at sa sarili nilang panahon.

Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon sa pagsuporta sa biktima/nakaligtas, tingnan ang pahina ng Paano susuportahan ang isang taong nakaranas ng seksuwal na panghahalay.

 

Paano ko susuportahan ang isang taong nakakaranas ng seksuwal na panghahalay?

Karaniwan ang seksuwal na panghahalay – humigit-kumulang isa sa limang babae ay makakaranas ng seksuwal na panghahalay. May mga praktikal na bagay na magagawa mo upang makatulong.

Paano ko susuportahan ang isang taong nakakaranas ng seksuwal na panghahalay?

 

Developed with: Victorian Centres Against Sexual Assault