To leave this site quickly, click the Quick Exit button below. Learn about Quick Exit button here. If you don’t want your browser history saved, please open incognito browsing mode. Learn about incognito mode here. If you're in immediate danger, please call 000.

Tungkol sa karahasan sa tahanan at pamilya

Ano ang karahasan sa tahanan at pamilya? Ang pag-unawa sa karahasan sa tahanan at pamilya ay makakatulong sa iyong tumugon.

Karahasan sa tahanan at pamilya: Pagpaplano upang pangalagaan ang iyong sarili

Karahasan sa tahanan at pamilya

Ang karahasan sa tahanan at pamilya ay isang pattern ng ugaling pang-aabuso sa isang matalik na relasyon o iba pang uri ng relasyong pampamilya kung saan ginagampanan ng isang tao ang posisyong mas makapangyarihan kaysa sa iba pang tao at nagdudulot ito ng takot. Tinatawag rin ito bilang karahasan sa tahanan, karahasan sa pamilya o karahasan sa matalik na kapareha.

Ang ganitong uri ng karahasan ay maaaring mangyari sa maraming iba't ibang relasyon, halimbawa: sa pagitan ng mag-asawa o nobya at nobyo; sa pagitan ng mga taong nasa wastong gulang at mga bata o mga taong nasa wastong gulang at mas matatandang magulang; o sa pagitan ng mga kamag-anak katulad ng mga tiya, tiyo at mga lolo at lola; o mga taong magkasamang naninirahan sa isang bahay na walang seksuwal na relasyon.

Madalas itong tinutukoy bilang isang pattern ng pamimilit (coercion) at pagkokontrol
Ang mga taong nang-aabuso ay paminsan-minsang tinatawag na ‘tagagawa ng karahasan’.

Ang karasahan sa tahanan at pamilya ay hindi palaging humihinto kapag natapos na ang relasyon, kung kaya't maaari itong mangyari sa mga dating magkapareha.

Gumagamit ang mga taong nang-aabuso nang maraming taktika upang mapanatili ang kapangyarihan at pagkokontrol, katulad ng:

  • Pag-aatake sa katawan, halimbawa pagsasakal, pamumugbog, panunulak at pagbabanta ng kapahamakan.

  • Mga kilos ng seksuwal na karahasan, sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao na gumawa ng mga seksuwal na kilos na hindi nila gustong gawin.

  • Pang-aabusong emosyonal, pagtawag gamit ang pangalang nakakainsulto (name calling) at mga pahayag upang mapahiya o punain ang isang tao (put downs), walang respetong pagtrato.

  • Paghihiwalay mula sa mga suporta, pamilya at komunidad, o paggamit ng pamilya o komunidad upang manakot. Maaaring kabilang dito ang pagpapadala ng mga text o pagpopost sa Facebook.

  • Ang paniniktik (stalking) o pagsusubaybay sa "bawat kilos", kabilang ang paniniktik sa internet, sa pamamagitan ng social media, paggamit ng mga GPS tracking device, atbp.

  • Sikolohikal na pang-aabuso, katulad ng pagbibigay-sala sa taong inaabuso para sa abusong pagkilos; pagsasabi sa taong inaabuso na mayroon siyang problema sa kalusugan ng kaisipan o mga karamdamang pagkabalisa; pagmamanipula o sadyang pagbabaliktad sa katotohanan; paglipat ng mga personal na pag-aari o mga muwebles at pagkatapos pagtatwang ginawa ito; at pagtatwa na nangyari ang abusadong pagkilos.

  • Pang-aabuso sa pananalapi, katulad ng hindi pagbibigay ng pera para sa mga pang-araw-araw na gastusin o "pera sa pangangasiwa ng tahanan"; paghadlang sa isang tao na magtrabaho; pagmamanipula sa sistema sa pagsuporta ng bata; pananakot sa isang tao upang pumirma sila ng mga legal at pinansiyal na dokumento na maaaring maglagay sa kanila sa pagkakautang; pagtayo sa ibabaw ng isang tao upang humingi ng pera.

  • Paghahadlang sa isang tao sa pagsasagawa ng kanyang espiritwalidad o pananampalataya, o pamimilit sa kanyang magkaroon ng pananampalataya o espiritwalidad na hindi kanyang sarili.

  • Paghahamak o pagbabantang hamakin ang mga mahal sa buhay, kabilang ang mga anak.

  • Paghahamak o pagbabantang hamakin ang mga alagang hayop.

  • Pang-aabusong legal, katulad ng pagsasamantala sa sistema ng batas para sa pamilya upang manakot, sairin, pagsamantalahan o tanggalan ng kapangyarihan ang isang tao.

Ang mga taong nang-aabuso ay nakakapagkontrol sa mga paraang natatangi para sa bawat relasyon. Sa ilang mga relasyon, ang hindi pagbibigay ng panustos ng gamot ay isang pattern sa pagkontrol. Ang mga mapagmanipulang pag-uugali, kagaya ng pagbabantang magpapakamatay o saktan ang sarili kapag sinusubukan ng isang tao na umalis sa relasyon, ay bahagi rin ng pattern sa pagkontrol. Sa sitwasyon kung saan ang babaeng may kapansanan ay umaasa sa tulong o pangangalaga, ang pag-urong ng pangangalaga o ang pagmamanipula ng pangangalagang iyon ay mga paraan upang itakda ang isang pattern ng pagkontrol sa isang hindi katanggap-tanggap na paggamit ng kapangyarihan. Ang pagpapasama sa pag-aalaga ng ina sa kanyang sanggol sa pamamagitan ng paghadlang sa pagpakalma o pagsuso ng mga sanggol ay isang anyo ng karahasan sa tahanan o pamilya.

Ang mga kababaihan ay mas malamang na makakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya

Ipinapakita ng estatistika na ang karahasan sa tahanan at pamilya ay mas malamang na isasagawa ng mga kalalakihan laban sa mga kababaihan.

Ang ilang mga pangkat ng kababaihan ay may mas malaking panganib na makaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya:

  • Mga buntis na babae.

  • Mga babaeng hiwalay sa asawa.

  • Mga babaeng may kapansanan.

  • Mga babaeng katutubo at Torres Strait Islander.

Ilang mga katotohanan tungkol sa karahasan sa tahanan at pamilya

  • Ang mga kababaihan ay mas malamang na makakaranas ng karahasan na isinagawa ng kanilang mga kapareha o mga dating kapareha.

  • Ang mga taong nang-aabuso ay maaaring simpatiko at ginagalang sa kanilang komunidad, o gaganap ng papel kung saan sila ang biktima. Ang mga taong nabubuhay nang may karahasan sa tahanan at pamilya ay kadalasang nagkokomentaryo na sila ay nakatira kasama ng isang ‘Dr Jekyll and Mr Hyde’, o isang ‘anghel sa kalye/demonyo sa tahanan’.

  • Kadalasang itatatwa ng mga taong nang-aabuso ang kanilang pang-aabuso o sisihin ang taong inaabuso nila. Sa palagay nila makatwiran o may karapatan silang kumilos nang abusado.

  • Ang mga batang namumuhay nang may karahasan sa tahanan at pamilya ay naaapektuhan dito, kahit na hindi nila nakikita o naririnig ang karahasan. Ito ay dahil sa takot at pagkasira sa buhay sa tahanan na nararanasan ng taong nag-aalaga sa kanila. Para sa mga bata, ang karahasan sa tahanan at pamilya ay isang trauma.

  • Ang mga bakla, tomboy, transgender at intersex na tao ay maaari ring naroroon sa isang marahas at mapang-abusong relasyon.

Iba pang mga uri ng karahasan sa tahanan

Hindi katanggap-tanggap ang lahat ng karahasan. Katulad ng karahasan sa tahanan at pamilya, ang iba pang mga uri ng karahasan ay nangyayari sa mga pamilya at relasyon. Ang mga ito ay hindi kinakailangang nakaugnay sa mga pattern ng pag-uugali ng kapangyarihan at pagkokontrol, pero ang mga ito ay nakakapinsala sa mga indibidwal at sa masarap na pagsasamahan ng pamilya at komunidad.

Maaaring mangyari ang karahasan sa anumang uri ng relasyon. Kabilang dito ang karahasan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan, karahasan na pinatatamaan ang mga matatanda o mga taong may mga kapansanan, at karahasan ng mga tinedyer sa kanilang mga magulang.

Ang mga taong nakakaranas ng iba pang uri ng karahasan o pang-aabuso sa tahanan ay maaaring masaktan, mapinsala o mapahiya sa katulad na mga paraan ng mga taong nakakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya.

Ang pang-aabuso ng bata ay isa ring anyo ng karahasan sa tahanan at hinding-hindi matatanggap. Kung ikaw ay isang kabataang nakakaranas ng pang-aabuso, maaari mong kontakin ang Kids Helpline sa 1800 55 1800, o tumawag sa pulis sa 000. Kung nasa agarang panganib ka, tumawag sa pulis sa 000.

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga ibang uri ng karahasang ito sa isang relasyon o sa loob ng iyong pamilya, mahalaga pa rin ang impormasyong nasa site na ito, at maraming mga serbisyong nakalista dito ay makakatulong. Ang linyang 1800RESPECT ay makakapagbigay ng suporta at impormasyon para sa mga taong nabubuhay kasama ng lahat ng uri ng mga pang-aabuso sa relasyon o karahasan sa tahanan. Tumawag sa 1800 737 732.

 

Sa sitwasyon ng agarang panganib, tumawag sa 000 para sa tulong ng pulis. 

Upang magsagawa ng tawag pang-emerhensiya gamit ang TTY o ang National Relay Service, tingnan ang Calls to emergency services

 

Pagsuporta sa biktima/nakaligtas

Paano ko susuportahan ang isang taong nakakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya? Karaniwan ang karahasan sa tahanan at pamilya - isa sa tatlong kababaihan ang makakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya sa kanilang buhay. May mga praktikal na bagay na magagawa mo upang makatulong.

Pagsuporta sa biktima/nakaligtas

 

Developed with: Safe and Equal