To leave this site quickly, click the Quick Exit button below. Learn about Quick Exit button here. If you don’t want your browser history saved, please open incognito browsing mode. Learn about incognito mode here. If you're in immediate danger, please call 000.

Tungkol sa Pagpaplano sa Kaligtasan

Ang pagpaplano sa kaligtasan ay isang paraan upang pag-isipan ang tungkol sa at magbuo ng isang plano ng aksiyon para sa panahon kung kailan hindi ligtas ang mga bagay-bagay.

Karahasan sa tahanan at pamilya: Pagpaplano upang pangalagaan ang iyong sarili

May maraming iba't ibang paraan upang gumawa ng isang planong pangkaligtasan. Ang isang plano ay kailangang gawin upang maging angkop sa mga sitwasyon ng indibidwal at upang itaguyod ang kaligtasan ngayon. Ang plano ay magbabago kapag nagbabago ang sitwasyon.

Ang plano ay maaaring makatulong upang galugarin at imapa ang mga opsiyon at mga ideya upang madagdagan ang kaligtasan kapag nangyayari ang karahasan sa tahanan at pamilya. Makakatulong rin ito sa mga taong nakakaranas ng seksuwal na panghahalay kapag ang taong nagsasagawa ng panghahalay ay kakilala. 

Ang pamilya at mga kaibigan ay maaaring gumanap ng mahalagang papel sa pagtulong gamit ang suporta at impormasyon. Ang mga serbisyo sa karahasan sa tahanan at pamilya at mga serbisyo sa seksuwal na panghahalay ay naroroon din upang tumulong na mag-organisa at magsuporta. Ang mga serbisyong ito ay makakatulong sa pag-iisip tungkol sa mga pagpipiliang hakbang tungo sa kaligtasan.

Pag-uunawa sa pagpaplano sa kaligtasan

Maaaring gumagawa ka ng isang planong pangkaligtasan para sa sarili o kasama ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan na nakakaranas ng karahasan. 

Isang planong pangkaligtasan para sa iyo

Kung gumagawa ka ng isang planong pangkaligtasan para sa iyong sarili, mayroon ka nang mga magagandang ideya kung ano ang gumana at hindi gumana. Ito ay isang lakas. Mag-isip tungkol sa mga bagay na gumagana na at pagkatapos, tingnan ang checklist sa ibaba upang makita kung ang iba pang mga opsiyon ay makakatulong sa iyong buuin ang isang plano ng aksiyon para sa kaligtasan.

Nandito ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangang tandaan kapag gumagawa ng planong pangkaligtasan para sa iyong sarili:

  • Ang taong gumagawa ng pang-aabuso ang responsable sa karahasan. Ang pagsisikap na hadlangan ang karahasan ay maaaring mag-iwan sa iyong makaramdam na parang ikaw ay "naglalakad sa ibabaw ng mga balat ng itlog" dahil kadalasang pinipili ng mga taong nang-aabuso na maghanap ng mga bagong trigger (nagpapasimula) upang bigyang-katwiran ang kanilang mga galit at mapagkontrol na mga pasabog. Ang pag-iisip kung paano dagdagan ang kaligtasan ay hindi parehong bagay sa pag-angkin ng responsibilidad para sa karahasan o 'mga blow-up o pagsabog'.

  • Ang mga planong pangkaligtasan ay kailangang regular na i-update, lalung-lalo na kapag nagbabago ang sitwasyon katulad ng isang pagbubuntis, isang bagong sanggol, o pagbabago sa sitwasyon ng pamumuhay.

  • Ang mga serbisyo para sa karahasan sa tahanan at pamilya ay maaaring makasuporta sa iyo at makakapagbigay ng mga ideya na pandagdag sa mga ideyang mayroon ka na. Tingnan dito para sa mga lokal na serbisyo [sa Ingles], o tumawag sa 1800RESPECT sa 1800 737 732.

Isang planong pangkaligtasan kasama ng pamilya at mga kaibigan

Kapag gumagawa ng isang planong pangkaligtasan kasama ng isang taong dumadanas ng karahasan, magsimula sa pamamagitan ng pakikinig. Ang biktima ay isang eksperto sa kanyang sitwasyon. Una makinig sa, at magtanong ng mga katanungan tungkol sa, kung ano ang nangyayari. Makakatulong ito sa iyong maunawaan ang mga panganib. Alamin kung ano ang ginagawa na niya upang madagdagan ang kaligtasan, at gamitin ito bilang basehan para tulungan siyang pag-isipan kung ano pa ang maaaring makapagdagdag sa kanyang kaligtasan. Ang checklist sa ibaba ay makakapagbigay ng ilang mga ideya tungkol sa kung paano bubuo ng plano pero hindi lahat ng mga ideyang ito ay magiging makabuluhan. 

Tandaan na maaaring mayroong maraming taong gumagawa ng pang-aabuso at iba pang mga indibidwal na pangangailangan na mag-iimpluwensiya sa plano. 

Tandaan na ang iyong tungkulin ay hindi upang maghatol o gumawa ng mga desisyon. ‘Umalis na lamang’ ay hindi palaging isang ligtas na opsiyon. Alam namin na ang pag-alis ay ang panahon ng pinakamatinding panganib sa buhay at kaligtasan. Makipagugnayan at sumangguni kasama ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya upang gumawa ng isang plano na gagana para sa kanya.

Nandito ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangang tandaan kapag gumagawa ng planong pangkaligtasan para sa mga kaibigan at pamilya:

  • Ang isang planong pangkaligtasan ay maaaring maging isang bahagi ng pagtayo ng isang relasyon ng tiwala. Ang relasyong ito ay maaaring pinakamahalagang rekurso para sa mga biktima/nakaligtas (survivor).

  • Kapag sangkot ang mga bata, maaaring maging kapakipakinabang para sa iyo ang aming video hinggil sa Pagpapanatiling Ligtas ang Mga Bata.

  • Maaaring mayroon kang mga responsibilidad sa mandatoryong pag-uulat [sa Ingles] kapag nasa panganib ng kapahamakan ang mga bata.

  • Maaaring kailangan mong gamitin ang mga serbisyo ng eksperto upang tulungan ka. Kapag gusto ng isang babae ang mga serbisyong ito, sumangguni sa mga eksperto sa larangan ng karahasan sa tahanan, batas, kultura at nagpapatuloy na suporta. Tingnan dito para sa mga lokal na serbisyo [sa Ingles], o tumawag sa 1800RESPECT sa 1800 737 732.

Isang checklist upang manatiling ligtas

Ang checklist na ito ay isang pangkalahatang gabay sa mga bagay na magagawa mo upang makatulong na dagdagan ang kaligtasan. Mangyaring tandaan na ang pagpaplano sa kaligtasan ay kailangang sadya para sa indibidwal na sitwasyon ng bawat tao. 

 

Checklist sa Pagpaplano sa Kaligtasan

Ang checklist na ito ay isang gabay sa mga bagay na magagawa mo upang makatulong sa kaligtasan.

Checklist sa Pagpaplano sa Kaligtasan

 

Developed with: Domestic Violence Resource Centre Victoria