To leave this site quickly, click the Quick Exit button below. Learn about Quick Exit button here. If you don’t want your browser history saved, please open incognito browsing mode. Learn about incognito mode here. If you're in immediate danger, please call 000.

Pagsuporta sa biktima/nakaligtas

Paano ko susuportahan ang isang taong nakakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya? Karaniwan ang karahasan sa tahanan at pamilya - isa sa tatlong kababaihan ang makakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya sa kanilang buhay. May mga praktikal na bagay na magagawa mo upang makatulong.

Karahasan sa tahanan at pamilya: kaligtasan ng mga bata

Ano ang dapat kong bantayan?

May mga pag-uugali at mga palatandaan na karaniwan sa mga taong nakakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya. 

Ang mga taong nakakaranas ng karahasan sa tahanan at pamilya ay maaaring:

  • Huminto sa paglabas, na walang halatang dahilan o, kapag tinatanong, sasabihin nilang hindi sila pinapahintulutang lumabas.

  • Magmukhang balisa, nalulumbay, pagod o naiiyak nang walang halatang dahilan.

  • Magmukhang mahiyain, nag-iingat, mapintasin sa sarili o mapag-alala sa sariling katayuan sa paligid ng kanilang kapareha, o tila bastos o masama ang pakikitungo ng kapareha nila sa kanila.

  • May mga pinsala sa katawan o panahong nanatili sa ospital na pumupukaw sa iyong paghihinala.

  • Palaging nagbibigay-katwiran sa kanilang mga paggalaw o mga gastos.

  • Magpahayag na sila ay sinusundan, sinusubaybayan, tinitiktikan o kinokontrol.

Kung gusto mong malaman ang higit pa, mangyaring basahin ang Ano ang karahasan sa tahanan at pamilya?

Pagtatanong

Sa huli, ang tanging paraan upang matiyak na mayroong problema ay ang pagtatanong sa tao tungkol sa kung ano ang nangyayari.

Siyempre, maaaring mahirap ito.

Maaaring subukan ng mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan ang mga direkta at maamong pagtatanong katulad ng:

  • Ok lang ba ang lahat sa bahay?

  • Napapansin ko ang mga pasang iyan, may sinuman man bang naglapat sa iyo nito?

  • Tila natatakot ka dahil sa iyong kapareha, ok lang ba ang lahat?

  • Ok ka ba?

Maglagay ng puwang para makinig, at bigyan ang iyong kaibigan o mahal sa buhay ng mga pagkakataong makapag-usap nang pribado, pero huwag silang puwersahin, huwag makipagharap. Sa pamumuwersa at paghaharap maaaring dagdag na mahiwalay ang iyong kaibigan o mahal sa buhay. 

Ano ang dapat gawin

Ang pag-uusap tungkol sa pang-aabuso ay nangangailangan ng tapang. Maraming biktima/nakaligtas ay takot na hindi sila paniniwalaan.  Nakapahalaga na kapag sinasabi ng isang tao na inaabuso sila na seryoso mong tatanggapin ang kanilang takot, kahit na sa tingin mo ang kanilang kapareha o dating kapareha ay tila simpatiko, mabait o mabuti. Ang mga taong nagsasagawa ng karahasan sa tahanan at pamilya ay maaaring napakagaling sa pagpapakita sa kanilang sarili sa positibong paraan sa publiko. Maaaring bahagi ito sa pattern ng abusadong pag-uugali.

Narito ang ilang sa mga paraan kung paano mo matutulungan ang miyembro ng iyong pamilya o kaibigan:

  • Seryosohin ang kanilang takot.

  • Hindi kailanman ok ang karahasan. Huwag sisihin ang tao o bawasan nang husto ang responsibilidad ng nang-aabuso para sa pang-aabuso.

  • Mayroong maraming hadlang, mahirap na mga pagpipilian at kadalasan mga makatwirang takot at ikinababahala na sangkot sa pag-iwan ng isang marahas na kapareha – kabilang ang paglala ng karahasan, kawalan ng tirahan at kahirapan. Maaaring hindi pa handa ang biktima/nakaligtas o maaaring hindi pa ligtas na umalis.

  • Tandaan na sangkot sa karahasan sa tahanan at pamilya ang higit pa sa pisikal na mga kilos ng pang-aabuso. Tinatarget ng mga taong nagsasagawa ng pang-aabuso ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng mga mapanirang salita at abusong emosyonal at nagtatangka silang "durugin" ang taong inaabuso nila. Pahalagahan ang lakas at kakayahang makabawi na siyang nagpapanatiling ligtas sa kanila at kanilang mga anak.

  • Tumulong sa pagsasaayos ng mga opsyon upang maging ligtas, iiwan man nila o mananatili sila kasama ng nang-aabuso. Tingnan ang pahina sa pagpaplano ng kaligtasan.

  • Tumulong sa mga praktikal na paraan – sa transportasyon, mga appointment, pagbabantay sa bata, o isang lugar kung saan makakatakas sila. Alamin ang tungkol sa mga serbisyo sa karahasan sa tahanan at pamilya at mag-alok na tutulong sa pagtakda ng appointment.

  • Ang pagsaksi ng karahasan ay nakakaapekto sa buong pamilya. Kung may mga batang sangkot, iparamdam sa kanila ang iyong pag-aalaga at suporta at maghanap ng nararapat na tulong para sa kanila sa pamamagitan ng isang serbisyo para bata o pamilya sa iyong lugar [mga link].

  • Mag-usap tungkol sa mga protection order (pag-uutos ng hukuman kung saan kailangang hindi lumapit ang taong nang-aabuso sa inaabuso) sa iyong estado/teritoryo.

Tandaan, ang karahasan sa tahanan at pamilya ay maaaring mapanganib. Tumawag sa 000 kung ang miyembro ng iyong pamilya, kaibigan o kanilang mga anak ay sinasaktan, o kung takot kang sila ay malapit nang banatan ng pang-aabuso.

Kung gusto mong malaman ang karagdagan kung paano makatulong:

  

Sa sitwasyon ng agarang panganib, tumawag sa 000 para sa tulong ng pulis.

Upang magsagawa ng tawag pang-emerhensiya gamit ang TTY o ang National Relay Service, tingnan ang Calls to emergency services

 

Ano ang seksuwal na panghahalay (sexual assault)?

Ang pag-unawa sa seksuwal na panghahalay ay makakatulong sa aming tumugon.

Ano ang seksuwal na panghahalay (sexual assault)?

 

Developed with: Safe and Equal